Matapos ang halos walang tigil na pag-ulan na dulot ng habagat, umapaw kahapon ang La Mesa Dam. Dahil dito, binaha ang mga mabababang lugar sa Quezon City at CAMANAVA area—kabilang na ang Valenzuela.<br /><br /><br /><br />Sa sobrang taas ng tubig-baha, napilitan ang mga residente na lumikas at magtungo sa mga evacuation centers para sa kanilang kaligtasan. Kaya naman tumungo rito ang Unang Hirit at Kapuso Foundation para mag-abot ng tulong.